Mga senyales na may bipolar disorder ang isang tao

Sa mga kwentuhan, karaniwang iginigiit ng ilang indibidwal na mayroon silang “bipolar disorder.” Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ano ang pagkakaiba nito sa ibang mood disorder?

Sa programang “Magandang Gabi Dok” ng DZMM, ipinaliwanag ng psychiatrist na si Dr. Bernadette Manalo-Arcena na ang bipolar disorder ay isang uri ng mood disorder kung saan nakararanas ng sukdulang pagbabago-bago ng mood ang isang indibidwal.

“‘Pag sinabi mong bipolar, ups and downs extremes, para siyang south and north pole apart,” sabi pa ng doktor.

Ano ang mga senyales ng pagkakaroon ng bipolar disorder?

Ayon kay Dr. Arcena, ilan sa mga senyales ay ang mga sumusunod:

  • sobrang bilis magsalita
  • laging excited
  • hyper matapos ay sobrang down at hindi mo na makausap
  • argumentative
  • paiba-iba ang gustong pag-usapan
  • walang goal-directed activity
  • may problema sa concentration

Sa late adolescence o early adulthood stage unang lumalabas ang sintomas ng bipolar disorder.

Paano malalaman kung moody lang talaga ang isang tao o may bipolar disorder na ito?

Paliwanag ng psychiatrist, kapag may bipolar disorder ang isang tao, dapat ay sobrang bilis ng pagpapalit nito ng mood. Aniya, sa ilang segundo lang o minuto ay makikita mo na agad na sobrang saya at matapos ay sobrang lungkot naman nito.

Minsan sa gabi hindi sila nakakatulog. They feel na parang hindi kailangang matulog. Madami silang gustong gawin pero hindi natatapos… They’re vey much interested sa mga pleasurable activities,” sabi pa ni Dr. Arcena.

At times they would have a lot of relationships all at the same time or they would go shopping one to sawa or minsan makikita mo na parang ang dami nilang ginagawa tapos they would be frustrated kasi hindi naman natatapos.

Saan nakukuha ang bipolar disorder? Nagagamot pa ba ito?

Namamana o may genetic factor ang pagkakaroon ng bipolar disorder, ayon kay Dr. Arcena. Biological na problema rin aniya ito kung saan bumababa ang antas ng dopamine habang bumababa naman ang seratonin. Ang mga ito ay pawang mga kemikal na matatagpuan sa utak.

Pwedeng malunasan ang bipolar disorder sa pamamagitan ng gamot at therapy.

Nagagamot naman siya sa pagbigay ng mga antipsychotic medications at nagbibigay tayo ng mood stabilizer,” dagdag pa ng psychiatrist.

Hanggang kailan dapat uminom ng gamot ang pasyente?

Ayon kay Dr. Arcena, kung severe o malala ang mga sintomas, mas mahabang gamutan at therapy ang kinakailangan.

Kung acute phase pa lang, karaniwan anyang umaabot ng 3 hanggang 6 na buwan ang gamutan. Kapag chronic na, aabot naman ng hindi bababa sa 2 taon ang pag-inom ng gamot.

Ano ang pagkakaiba ng ADHD, depression, schizophrenia at bipolar disorder?

Sabi ni Dr. Arcena, bagama’t magkaiba, karaniwan anyang magkakonekta ang ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) at bipolar disorder, partikular sa pagiging hyper.

Magka-link sila at usually ito ‘yung nagiging problem sa diagnosis kasi hyper din ‘pag ADHD ang pasyente so kailangan talaga ma-tease out ano ba ang mas mataas, ang mood problems or ‘yung attention kasi magkaiba ‘yun,” sabi pa ng psychiatrist.

Ang depression naman aniya ay ang palagiang pagiging malungkot na nagreresulta sa kawalan ng energy at interes sa mga ginagawa. Sa initial stage, karaniwan anyang may trigger o nagiging simula ng dahilan ng pagkakaroon ng depresyon gaya ng pagkamatay ng minamahal sa buhay at iba pa.

Sa kaso naman ng bipolar disorder, isang bahagi lang ang pagiging sobrang malungkot dahil napapalitan din ito agad ng pagiging masaya o pagiging hyper.

Ang schizophrenia naman, ayon kay Dr. Arcena, ay isang mental illness habang ang bipolar disorder naman ay isang mood disorder.

May mga bumubulong, parang pinaguusapan ka, pinagkakaisahan ka. Meron siyang hallucinations at delusions, may perceptual disturbances ka na akala mo may mga sumusunod sa ‘yo or magpe-persecute sa ‘yo. These are delusions. Kumbaga wala siya sa sense of reality. Ito ‘yung tinatawag natin na psychosis, may paranoia,” dagdag pa ng psychiatrist.

Payo ng psychiatrist

Ayon kay Dr. Arcena, hindi dapat mahiyang lumapit sa mga psychiatrist ang sinumang nakararamdan ng mga sintomas ng mood disorder.

Kung umiinom na ang pasyente ng antidepressant, huwag aniya itong tigilan hangga’t hindi sinasabi ng doktor.

Pinayuhan din ng psychiatrist ang mga may kamag-anak o kakilala na dumaranas ng sakit sa pag-iisip na huwag itali ang mga ito, gaya ng ilang kaso na nabalita at naging viral sa internet.

They have the right to be treated. Marami naman tayong ospital all over the country na makatutulong. Seek help para magamot ang pasyente. Hindi sila magagamot sa pagkadena lang. Kailangan talaga silang ayusin, gamutin and they will live a better life,” ayon pa sa doktor.

Nasubukan mo na ba ang Buah Merah Mix?

Ang Buah Merah po ay nakakapagpabago at nakakatulong para ayusin ang DNA ng isang tao. May mga testimonials na po kami ng Autistic child na naging maayos ang kaisipan sa pag inom ng Buah Merah Mix.



Buah Merah Mix Philippines © 2015 buahmerahmix.ph
Translate »