Mga dapat malaman tungkol sa sakit sa bato

Ano ito? Ang bato (kidney) ang nagtatanggal ng sobrang tubig at basura sa katawan, nagsasaayos ng likido at mga kemikal na kailangan sa ating katawan, sumusupil sa presyon ng dugo, at sumusupil sa mga hormone ng katawan na gumagawa ng pulang mga selula ng dugo. Inilalabas ng bato ang sobrang tubig at basura mula sa dugo at iniiwan lamang ang mga sangkap na kinakailangan nito. Ito ay gumagawa ng electrolytes (ions) na kailangan upang ihiwalay at itapon ang mga dumi sa katawan na nakakalason. Produkto ito ng metabolismo ng katawan na inilalabas sa pamamagitan ng pag-ihi. Halos lahat ng mga tao ay may dalawang bato. Maaaring mabuhay na malusog ang isang tao na iisa ang bato.

Ang sakit sa bato ay isang panganib sa kalusugan at buhay ng tao kung hindi matutuklasan ng maaga at mabibigyan ng kaukulang lunas. Sa ngayon ang sakit sa bato ay pansampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Ang nangungunang dahilan ng paglubha ng karamdaman ay ang hindi maagap na pagtuklas nito.

Mga palatandaan ng sakit sa bato:

  1. madalas na nilalagnat, giniginaw at nagsusuka
  2. masakit at pagkonti ng-ihi
  3. pagsakit ng tagiliran
  4. pagsakit ng tiyan at puson
  5. ihi na kulay tsaa o “coke”, mapula at mabula
  6. pamamanas ng talukap ng mga mata, mukha, tiyan, mga binti at paa
  7. nakakaramdam ng hirap sa paghinga
  8. altapresyon
  9. pagkahilo, pagsakit ng ulo
  10. pag-itim at pangangati ng balat.

Mga dapat gawin para makaiwas sa sakit sa bato:

  1. uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw
  2. ugaliin ang kalinisan sa pangangatawan
  3. dumumi araw-araw
  4. huwag pigilin ang pag-ihi
  5. isangguni sa doktor ang anumang impeksyon sa lalamunan at balat
  6. huwag paglaruan ang maseselang bahagi ng katawan tulad ng ari
  7. kumain ng pagkaing masustansiya. Iwasan ang sobrang maalat o matatamis na pagkain
  8. magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa loob ng isang taon
  9. gawing regular ang pag-eehersisyo o araw-araw ayon sa kakayahan ng katawan
  10. kompletuhin ng bakuna ang mga bata. May mga sakit na nakasisira ng ating bato na maaaring mapigilan ng pagbabakuna
  11. iwasan ang paninigarilyo at mga nakakalasing na inumin;

Idagdag din ang pag inom ng Buah Merah juice drink.

Buah Merah Mix is a healthy and refreshing juice drink, enriched with Natural Anti-Oxidant (Beta-Cryptosanthin) that boosts the immune system.

BENEFITS OF BUAH MERAH MIX

Gives Extra Energy & Improves Stamina
Boosts the Immune System
Fights Cancer Cells
Reduces Bad Cholesterol
Normalize Blood Sugar Level
Detoxify Toxins



Buah Merah Mix Philippines © 2015 buahmerahmix.ph
Translate »