Masakit umihi o may UTI

Maraming kababaihan ang may Urinary Tract Infection (UTI). Ang impeksyon ay nanggagaling sa ating pantog (bladder) at daanan ng ihi (urethra).

Ang pangkaraniwang dahilan ng UTI ay ang mga ito: (1) kulang ang iniinom na tubig, (2) mali ang paghuhugas sa puwerta (vagina), at (3) laging nagpipigil ng ihi.

Ano ang sintomas ng UTI?

May taong walang nararamdaman. Ang iba naman ay may pananakit sa bandang pantog, lalo na sa dulo ng pag-ihi. Parang mahapdi ang pakiramdam kapag lumalabas ang ihi. Isa pa, madilaw at may amoy din ang ihi.

Madaling malaman kung ika’y may UTI. Magpa-check lang ng Urinalysis. P50 lang ito. Kung positibo sa UTI, dapat itong gamutin.

Ano ang gamutan sa UTI?

Magpatingin muna sa doktor bago uminom ng gamot. Huwag basta-basta iinom ng antibiotic.
1. Uminom ng antibiotic ng 3 araw. Ang pinakamura ay ang Amoxicillin 500 mg na tableta 3 beses sa maghapon. Halagang 5-10 pesos lang ang generic nito. Inumin ito ng 3 araw hanggang mawala ang UTI.

2. Uminom ng 8 hanggang 12 basong tubig sa isang araw. Kailangan mong uminom ng maraming tubig para mabawasan ang bacteria sa ihi.

Paano iiwas sa UTI?

1. Tulad ng nabanggit, uminom ng 8 hanggang 12 basong tubig sa maghapon. Ugaliing uminom ng 1 o 2 basong tubig bago kumain. Mabubusog ka at papayat ka pa.

2. Huwag pigilin ang iyong ihi. Pumunta sa banyo palagi.

3. Pagkatapos umihi, maghugas ng puwerta.

4. Pagkatapos dumumi, dapat din turuan ang mga babae na magpunas ng tissue pataas sa puwit. Huwag magpunas ng dumi paharap at baka pumunta ang dumi sa puwerta ng babae. Ito ang isang dahilan ng UTI.

5. Pagkatapos mag-sex, piliting umihi ng isang beses. Huwag muna matutulog at baka umakyat ang impeksyon sa iyong pantog. Ang tawag ng doktor dito ay Honeymoon Cystitis.

6. Walang masama sa pag-inom ng buko juice o Cranberry juice. Baka makatulong din ito sa UTI.

Simple lang ang pag-iwas sa UTI, (1) uminom nang maraming tubig, at (2) maging malinis sa pag-ihi, pagdumi at sa buong katawan.

At siyempre, kumunsulta muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot.

The easiest Healthy Detox Water Recipe:Water Detox

  • Just combine 2 Liters of water with 1 bottle of Buah Merah Mix.
  • Keep refrigerated and enjoy for your healthful daily drink.
  • Also great natural remedy for U.T.I. and kidney stones.


Buah Merah Mix Philippines © 2015 buahmerahmix.ph
Translate »