Dahilan ng GALLSTONE o BALIARY SLUDGE

gallbladder

Ano ang biliary sludge o kilala sa salitang gallstone?

Ito ay ang namumuong fluid o tumitigas na bile sa gallbladder o apdo dahil sa panghihina ng liver. Major cause po nito ay toxic bowel o maruming colon o bituka.

“Biliary sludge is a mixture of particulate matter and mucous that forms in bile. (Bile is the yellow-brown fluid that drains from the liver into the gallbladder where it is stored and concentrated”

Ano ang gallbladder?

Ito ay maliit na organ na nasa may bandang ilalim ng atay na kulay dark green at don itinatago ng atay ang bile at inilalabas lang ito ng atay sa pamamagitan ng gallbladder kapag gagamitin.

Ano ba ang bile?

Ang bile ay yellow-brown fluid na inilalabas ng liver at dinadala sa gallbladder at doon itinatago habang hindi pa ginagamit.

“Bile is composed of water, salts, fatty acids, cholesterol, lecithin, bilirubin, and mucus. The liver makes about one quart daily and whatever isn’t sent directly to the duodenum to emulsify fat is diverted to the gallbladder and stored until needed”.

Ano ang ginagawa ng bile?

Pagkatapos kumain ang gallbladder ay magcocontract at ilalabas ang bile sa bile duct o sa daanan nito papunta sa unang section ng bitukang maliit “duodenum” upang tunawin ang taba sa kinain natin at panatilihing malakas ang ating immune system. Dahil ang kalahati ng immune system natin ay nasa bituka.

Kapag mahiha ang liver dahil sa sobrang dami ng toxins sa dugo na sinasala nito, ito ay makakaapekto sa paglabas ng bile, dahil ang liver ang nagma-manage kung kelan ilalabas ni gallbladder ang bile para gamitin. Kapag mahina ang liver hindi nya magagawa ang mga tungkulin nya at isa na dito ang pagpapalabas ng bile.

Ang bile ay super alkaline substance na nagne-neutralize ng acid sa bituka.

Kapag walang supply ng bile maaari tayong makaramdam ng pangangasim, paghapdi ng sikmura at maaaring masugat o magkaron ng ulcer sa taas ng acid. Tataas din ang dami ng parasites o bulate at ng iba-ibang bacteria sa bituka at maaaring ganun din sa dugo. Kapag sila ay dumami, sari-sari ng sakit ang mararamdaman natin hanggang sa magkakaron na tayo ng malalang sakit tulad ng cancer.

Ang bile din ang ginagamit ni liver para ilabas ang mga fat soluble toxins o cholesterol na di kelangan ng katawan. Kaya kelangan magkaron tayo ng regular na pagdumi dahil ang bile ay mayroong fat soluble toxins na kailangang mailabas sa pamamagitan ng pagtae. Kung ‘di regular ang pagtae ay dagdag lason pa ito sa katawan na na magpapahirap lalo sa atay natin. Dahil pag ‘di ito nailabas sa pagdumi ito ay maaabsorb ulit at masasama sa dugo at ifi-filter ulit ni liver. Kawawa naman ‘yong atay pagod na pagod na sa pagsasala ng maruming dugo.

Ang pagtaas ng cholesterol sa dugo ay palatandaan na ang bile ay di naiilabas.

Malaki rin ang kinalaman ng bile sa immune system. Ang kalahati ng immune system natin ay nasa bituka o ‘yong tinatawag na intestinal immune system na ang trabaho po nito ay masmahirap kesa sa immune system na nasa dugo dahil bihira lang ang infection sa dugo, hindi katulad ng bituka ito ay expose araw-araw sa millions of bacteria, parasites, microbes at fungi, lalo kung ‘di regular na nalilinis ang bituka o colon. Kaya napakalaki po ang maitutulong ng paglilinis ng colon para makaiwas sa gallstones o sa biliary sludge.

Ang bile ang nagsisilbing immune system natin sa bituka na pamatay sa millions of bacteria, microbes etc. na nasa ating bituka. Kung maayos ang flow o daloy ng bile meron tayong built-in na panlaban sa mikrobyo dahil lalakas ang intestinal immune system at maiiwasan ang gallstones.

Kapag mahina ang intestinal immune system natin, magkakaron tayo ng tinatawag na autoimmune disease o ‘yong sakit na immune system mismo natin ang umaatake sa atin o dahilan ng pagkakasakit natin.

Kunyari, dumami ang parasites at fungi sa ating bituka dahil mahina ang ating intestinal immune system dahil sa kakulangan ng bile ‘yong parasites na ‘yon at fungi ay mag-uumpisa ng manira ng wall ng intestine o gagawa sila ng hole o butas at doon sila lalabas, masasama sila sa bloodstream o sa dugo at makakapagtravel na sila sa buo nating katawan at maaari silang maging cyst o tumor dahil aatakihin sila ng immune system sa dugo “lymphocyte o white blood cells” babalutin sila para ‘di sila makalabas at makapaminsala pa sa ibang tissue o organs, ito na ‘yong nagiging cyst o bukol at ‘pag ‘di na kayang protektahan ng immune system ay makakalabas sila sa pagkakabalot at umpisa na ng pagdami o pagkalat nito sa dugo at umpisa na ng cancer.

Yong ginawa nilang butas sa bituka ay mananatili ‘yon at dadami pa kung ‘di masusugpo ang pagdami ng bacteria o parasites sa bituka at maaaring mamaga pa ang bituka natin. At dito na mag-uumpisa ‘yong tinatawag na autoimmune disease o pag-atake ng ating immune system sa atin mismong sariling katawan. Paano? ‘Yong mga undigested food ay maaari ng makalabas sa butas na ‘yon at lalo na kapag kumakain po tayo ng pagkaing mataas ang protina at hindi eto nada-digest o naconvert sa amino acids eto ay masasama sa dugo at dito mag-uumpisang umatake ang immune system natin, dahil akala ng immune system natin kalaban ‘yong mga ‘yon . At bilang pagprotekta ng immune system sa katawan ang gagawin nya ay magpapalabas sya ng isang substance na tinatawag na histamine. Maari rin muna tayong makaranas ng sintomas na tulad ng sa may allergy o asthma.(pagtubo ng mapula at makati sa balat, pagdami ng mucus sa ilong o pagbabara ng ilong, ubo, sipon na tulo ng tulo, pagsikip ng dibdib at hirap sa huminga, pamamaga etc.) Kapag inilapit natin sa conventional doctor bibigyan lang tayo ng gamot na anti-histamine para pigilan lang ang sintomas na nararamdaman natin pero hindi po nila ina-address kung ano ang major cause para gamutin at tuluyang mawala ang sakit. Dahil karamihan po sa kanila ay walang layon na tayo ay pagalingin ng tuluyan, ang ginagawa nila ay pakalmahin lang ang sintomas na nararamdaman natin o hadlangan ang natural na pagpapagaling ng katawan natin, ang mga gamot na ibinibigay sa atin ay lalo pang makakapagpasakit sa atin dahil ito ay kemikal o dagdag lason pa sa dugo natin. Bakit ganun? ‘Wag po nating kalilimutan na nasa SICKNESS INDUSTRY sila. Kapag walang may sakit sa atin, wala silang kita. Hindi natin sila masisi dahil na rin sa influence ni JOHN ROCKEFELLER at ng BIG PHARMAS. Sino po ba si Rockefeller at ano ang pagkakaugnay nya sa pagkakaron ng GMO at ng mga test na nauuso ngayon, kahit di naman kelangan pinapagawa pang pilit ng mga doctor ( CT scan, MRI, etc. etc.) Maaari po natin tong pag-usapan sa mga susunod kong blog God willing, para mas maunawaan ng marami.

Ano ang mga sintomas ng Gallstones?

  • Severe abdominal pain
  • Pain that may extend beneath the right shoulder blade or to the back
  • Pain that worsens after eating a meal, particularly fatty or greasy foods
  • Pain that feels dull, sharp, or crampy
  • Pain that increases when you breathe in deeply
  • Chest pain
  • Heartburn, indigestion, and excessive gas
  • A feeling of fullness in the abdomen
  • Vomiting, nausea, fever
  • Shaking with chills
  • Tenderness in the abdomen, particularly the right upper quadrant
  • Jaundice (yellowing of the skin and eyes)
  • Stools of an unusual color (often lighter, like clay)
  • Some gallbladder problems, like simple gallstones that are not blocking the cystic duct, often cause no symptoms at all. They’re most often discovered during an X-ray to diagnose another condition, or even during an abdominal surgery.

Papaano tayo makakaiwas sa gallstones o biliary sludge?  

Palakasin ang atay

Paano? Iwas tayo sa mga pagkaing alam nating magpapahirap o makakapagpahina lang sa ating atay o pagkain ng magdadagdag ng toxins sa dugo, tulad ng:

Fatty food, processed food, junk food, fast food, fried food, coffee, softdrinks o soda energy drinks, canned food, at iwas sa mga gamot tulad ng mga pain reliever anti-biotics etc.

Kumain ng maraming gulay at prutas, uminom ng maraming tubig maliban sa gabi kung kelan malapit na matulog at wag isasabay ang pag-inom habang kumakain dahil ito ay makakahadlang sa digestion. 30mins to 1hr before or after meal pweding uminom kung maaari.

Magdetox 

Maaaring uminom ng detox drink

Sa umaga pagkagising maaring uminom ng 4 na basong maligamgam na tubig lagyan ng kalamansi 5-10 pcs o isang pirasong lemon. Unti-untiin lang wag biglain ang pag-inom at after an hour inom ng mapait na tyaa o tea tulad ng nilagang serpentina o dahon ng ampalaya. Ang maasim na galing sa citrus fruits at mapait ay nakakapagstimulate po ng liver sa paglabas ng maayos ng bile at ang gallstone ay maaaring matunaw ng acid na nasa citrus fruits o isang basong maligamgam na tubig na may 5pcs kalamansi o kalhating lemon, lagyan ng 1tbsp extra virgin olive oil , kurot na rock salt at 2dash ng cayenne pepper. Maaari ‘tong gawin for 10 consecutive days.

Uminom ng Buah Merah Mix

Ang buah merah mix ay combination ng 6 na prutas, Buah Merah, Guyabano, Moringa, Mangosteen, Wheatgrass at Barley. 6 na proven na nakakagamot ng mga sakit, at nakapag dedetox ng katawan.

Marami rin ang testimonial na pagkatapos uminom  ng Buah Merah Mix, ay natunaw o nailabas ng katawan ng kusa ang kanilang gallstone, kidney stones at Myoma.

Ano ba ang ginagawa ng Buah Merah Mix sa katawan?

Ang ginagawa ng Buah Merah Mix sa una, ay total cleansing ng ating bituka at colon.

Kung ano man ang iniinom nating gamot, maboboost ito dahil nga sa malinis na ang ating bituka. Pag malinis na ang loob, doon na napropromote ang HEALING EFFECT.

Napapaganda ang Metabolism, nagiging healthy ang pangangatawan dahil para kalang kumain ng isang bandehadong prutas at gulay.

Ang Buah Merah Mix ay Pure Organic, All-Natural at Non-Toxic. Wala itong complication sa kahit anong gamot, at pwede ito gamitin ng LONG TERM. Wala ring overdose.

Ayon po sa aking research ang pagkakaron ng maruming bituka ang major cause ng halos lahat ng sakit at isa na dito ang pagkakaron ng gallstones at panghihina ng atay. Kaya kailangang makapaglinis tayo ng bituka para makaiwas sa sakit o kahit may sakit na, ang may sakit ay mas lalong kailangang maglinis lagi ng colon. ‘Wag hayaang ‘di matae sa loob ng isang araw. Dahil kailangan araw-araw tayo nakakadumi. Ayon po sa ibang dalubhasa, ang normal na dumi ay sa tuwing tayo ay kakain, kailangan makadumi.

Malaki ang maitutulong sa pagkakaron ng magandang kalusugan at ng pag-iwas sa sakit ang pag-exercise, pagbi-bilad sa araw sa umaga kahit mga 2hrs from 6am-8am at sa hapon mga 4pm onwards, pagpapa-massage. Ang pagpapahilot o masahe ito po ay malaki ang kinalaman sa pagkakaron ng healthy cells, organs at healthy body. Sa dugo tina-transport ang pagkain ng cells at ang toxins na galing sa mga cells kapag barado ang daaanan nito magugutom ang cells, manghihina ang mga organs dahil ang organs ay binubuo ng cells at sa ugat dumadaan ang dugo na may pagkain ng bawat cells at may toxins na galing din sa cells na pantapon. Kapag barado ang meridian o ang ugat ang toxins ay mahihirapan din makarating sa disposal organs tulad ng liver, kidney, lungs at skin. Kaya napakaimportante po na healthy ang daaanan ng dugo o walang nakabara at maslalo na importante na mashealthy ang dugo dahil dito nakasalalay ang pagkain ng bawat cells kaya dapat makakain tayo ng mabitaminang pagkain para maging healhty ang dugo, kaya dapat maging maingat tayo sa ipapasok natin sa bibig o sa kakainin natin. Dahil ito ay maaaring makatulong sa katawan o dagdag lang toxins o lason sa dugo na magpapahirap sa atay at kidney at sa iba pa.

Kapag nagtutulong-tulong ang mga organs na may kinalaman sa pagpapalabas ng toxins hindi masyadong mahihirapan ang liver.

Mga organs na naglalabas ng toxins at kung pano inilalabas:

Liver/Gallbladder – Sa pamamagitan ng paglabas ng bile sa gallbladder naiilabas ang fat soluble toxins.

Kaya kailangan maging normal ang labas o daloy ng bile papunta sa bituka.

Uminom ng citrus juice + warm water at mapait makakatulong sa pagkakaron ng maayos na paglabas ng bile.

Kidney/Bladder – Sa pamamagitan ng ihi maiilabas ang mga water soluble toxins

Kaya kailangan na uminom ng maraming tubig mga 8-12 glasses a day.

Lungs – Sa pamamagitan ng paghinga, naiilabas ang carbon dioxide na isang uri ng toxins na nasa cells.

Ang deep breathing ay makakatulong ng malaki sa pagpasok ng oxygen na isa sa kelangan ng cells  para mabuhay.Sa pag exhale natin ay naiilalabas ang toxins na nafilter ng lungs. Gawin deep breathing 10x every hour.

Hinga ng malalim sa ilong at buga sa bibig. Masmatagal na hinga sa ilong masmaganda dahil masmaraming oxygen ang papasok at ang masmahabang pagbuga ng hangin mula sa bibig ay masmaraming toxins ang maiilabas.

Skin – Sa pamamagitan ng pawis ay lumalabas ang toxins. Ang balat ang pinakamalaking organ na labasan ng toxins.

Exercise at steam bath/sauna bath ay ilan lamang sa pinakamagandang paraan ng pagpapawis.

Dry skin brushing ito ay pagba-brush ng malinis na brush na may katamtamang talim ng bristle sa balat bago maligo. Sa pamamagitan ng pagbabrush ng balat nakakapaglabas tayo ng toxins in form of dead skin. Kaya mas maganda gawin ito ay bago maligo para ‘yong mga dead skin na lumabas habang binabrush natin ang balat natin ay matangal kaagad.

Colon –  Sa pamamagitan ng paglabas ng tae naiilabas ang toxins na nasa bituka natin.

Ang pag-inom ng tubig sa umaga na may kalamansi ay makakatulong sa regular na paglabas ng dumi at lalo na kung maiinuman ng mapait na tea tulad ng nilagang ampalaya at serpentina after 30mins.



Buah Merah Mix Philippines © 2015 buahmerahmix.ph
Translate »