Bawasan ang Kanin at Instant Noodles

Masama daw ang sobrang pagkain ng instant noodles at kanin

Ayon sa mga pagsusuri, masama daw ang sobrang pagkain ng instant noodles at kanin (white rice). Puwedeng magdulot ng high blood pressure, diabetes at pagiging mataba.

Heto ang puwede ninyong ipalit paminsan-minsan:

  1. Mais – Ang mais ay napakataas sa fiber na magpapabusog sa atin. Ang mais ay ginagawa ding cereals (corn flakes) at popcorn. Ang pagiging dilaw ng mais ay dahil sa sangkap nitong Vitamin A at lutein na mabuti sa mata. May mga B vitamins din ito para sa ating nerves.
  2. Patatas – Ang patatas ay mataas sa potassium at iron. Ang potassium ay nakatutulong sa paggalaw ng masel at pagtibok ng puso. Ang iron ay kailangan ng ating pulang dugo (red blood cell). Tandaan lamang na isama ang balat ng patatas sa pagluto dahil nandito ang fiber, potassium at iron. Puwedeng pang-sahog ito sa mechado, menudo o giniling. Ngunit hindi masustansya ang French fries dahil naiprito ito sa mantika at nilagyan ng maraming asin.
  3. Kamote (sweet potato) – Ang kamote ay kulay orange dahil sa taglay nitong carotenoids at Vitamin A. Ang carotenoids ay isang sangkap na maaaring makatulong sa pag-iwas sa kanser sa baga, kanser sa balat at kanser sa prostate. Sa mga naninigarilyo, kumain ng isang tasang kamote araw-araw para mabawasan ang tsansang magkaroon ng lung cancer.
  4. Saging – Masustansya ang lahat ng klase ng saging tulad ng saba, lakatan at latundan. Makatutulong ang saging sa may ulcer o nangangasim ang sikmura dahil tinatapalan nito ang ating tiyan. Ang saging ay nagpapasaya at nagpapa-kalma sa atin dahil sa taglay nitong tryptophan na nagpapataas ng serotonin (tinatawag na happy hormones). Ang saging ay mayaman din sa potassium na kailangan ng mga nag-e-ehersisyo.
  5. Brown rice at wheat bread – Ayon sa mga researchers ng Harvard School, ang pagkain ng brown rice at wheat bread ay puwedeng makababa sa insidente ng diabetes ng hanggang 36%. Piliin natin ang mga good carbohydrates tulad ng brown rice, wheat breat, high fiber cereal at mga sari-saring gulay. Dahil sa taglay nitong fiber, mabuti ito sa ating bituka at nakabababa pa ng kolesterol.


Buah Merah Mix Philippines © 2015 buahmerahmix.ph
Translate »