ANO ANG IYONG MGA KARAPATAN BILANG PASYENTE?

Paano ba maproprotektahan ang dignidad at karapatan ng mga pasyente?

Si Dra. Teresita Sanchez ay isang respetadong doktor at isa ding magaling na abugada. Dalawa ang kanyang propesyon, kaya nakikita niya ang bawat angulo ng problema.
Ayon kay Dra. Sanchez, ito ang ilan sa mga karapatan ng pasyente. Alamin natin ito.

1. Karapatang malaman ang kanyang tunay na sakit.
May pagkakataon na hinihiling ng kamag-anak na itago ang tunay na sakit ng pasyente. Mahirap ang ganitong situasyon at dapat timbangin kung ano ang makabubuti sa pasyente.

2. Karapatan malaman ang gamutan at ang posibleng komplikasyon nito.
Kailangan ay maipaliwanag maigi ng doktor sa pasyente ang gamot o operasyon na binabalak gawin sa kanya.

3. Karapatan malaman kung may alternatibong gamutan sa kanyang sakit.
Maganda sana kung lahat ng doktor ay nagbibigay ng mga options sa pasyente. May mas mahal na paraan at may mas murang gamutan.

4. Karapatan bigyan ng respeto at konsiderasyon ang pasyente.
Ito siguro ang pinakaimportante sa lahat. Mayaman man o mahirap, dapat bigyan ng sapat na pag-alaga.

5. Karapatan na maging pribado ang usapin tungkol sa kanyang sakit.
Hindi dapat ikuwento ng doktor sa ibang tao ang karamdaman ng isang pasyente, lalo na kung sensitibo ang sakit.

6. Karapatan tumanggi sa gamutan, pagkatapos maipaliwanag sa kaniya ang benepisyo at peligro nito.
Sa huli ay ang pasyente pa rin ang magdedesisyon sa katawan niya. Ang doktor ay nandiyan lang para magbigay ng payo.

7. Karapatang makuha ang kanyang medical records at laboratory results.
Lagi kong tinuturo sa pasyente na i-xerox at ilagay sa folder ang lahat ng lab results. Dalhin itong folder sa bawat konsulta sa doktor. Napakahalaga nito.

8. Karapatan malaman ang bawat item sa billing ng ospital.

Ang 8 karapatan na nailista dito ay dapat malaman ng bawat doktor, nars at pasyente. Salamat sa mga payo ni Doktora at Attorney Teresita Sanchez.



1 Comment

Add a Comment
  1. Nais ko lang po malaman sa isang ospital upang ipagpatuloy ang pang gagamot o pagbibigay lunas sa isang pasyente kailangan ba talaga na kalahati ng total bill ang bayad na?
    Ako po kasi ay isang bagong panganak sa Korea-Phils. Friendship Hospital ng Trece Martires city cavite.
    Kasalukuyan npo akong nakalabas ng ospital.
    Ngunit dahil sa naging sitwasyon ko,na emergency CS po ako sa ika 29th n linggo ng pagbubuntis ko dahil eclampsia,naiwan ang anak ko sa incubator.
    At dahil nga masyado pa syang bata at pinipilit naming isalba ang buhay nya napakaraming mga ikinakabit sa kanya,dahilan upang lumaki ang hospital bills namin.
    Kami ay umaasa na mabibigyang lunas ang problema ng anak namin.
    Ngunit may isang bagay kaming kinukuwestyon.
    Dahil hindi naman kami mayaman hindi pa namin kayang bayarang palagi ang naglalakihang bayarin sa ospital.
    May mga pagkakataong hindi namin nauupdate ung half of the bill dahil kami pa rin nga ang bumibili ng gamot sa labas.
    Ang masamang sistema ng ospital, lagi kaming naka stop billing kapag hndi namin nabayaran ang kalahati ng total bill.
    Ang ibig sabihin hindi nila aasikasuhin o lalapatan ng lunas ang pasyente namin sa ospital hanggat hindi kami ng uupdate ng bayad. Parang ang dating ay ok lang sa kanila na mamatay ang pasyente dahil nga hindi naman namin kayang bayaran agad ang hospital bills. Samantalang hindi pa nman palabas ng ospital ang pasyente.
    Ayon ss pedia ng anak ko 2 or 2.5 months pang mag stay ang baby sa incubator.
    Dahil naubos namin ang lahat ng ipon namin sa panganganak sa akin palang,pagdating sa hospital bills ni baby at pambili ng mga gamot ay pinapautang lang namin. Pinipilit namin ilaban ang baby namin lalo na at unang anak namin ito. Ngunit ang tanong,kung kami ay patuloy na lumalaban para mabuhay ang anak namin,bakit ang ospital ay parang pera perahan lang. Kung wala kang sapat na pera hindi ka bibigyan ng lunas.
    Ganun po ba talaga ang patakaran ng mga ospital?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Buah Merah Mix Philippines © 2015 buahmerahmix.ph
Translate »